Wednesday, April 14, 2010

The search for the BEST Lechon Kawali part 1


We all love to eat, lahat tayo may kanya-kanyang cravings, kanya-kanyang paborito, pero sino ba sa atin ang hinde ni minsan na tukso sa sarap ng Lechon Kawali? Oo, eto ang topic natin ngayon, kaya to all non-pork eaters—this is the time to bail out! Alis dyan, coz this topic is going to be porky, very porky! .

We have identified a few (sana madag-dagan pa soon) restos who offer Lechon Kawali or known for their delicious Lechon Kawali as specialty. Here are the list:
• Mann Hann (Megamall)
• HK Choi Garden (Megamall)
• Gloria Mariz (Greenhills)
• Yoo-hoo (Metrowalk)
• I-Bagnet (Metrowalk)

D’ day… Pag-gising ko sa umaga, I know that this day will be different. As I prepare myself to a very rough and challenging day ahead, I woke up extra early today, kailangan i-condisyon ang katawan sa nalalapit na laban:Teng-teng-teng! Music please! (eye of the tiger music on the background), tumalon, tumakbo, nag push-up at nag jumping rope… yan, yan ang plano kong gawin ngayong umagang ito, pero since nakakapagod isipin ang mga activities na to, nag-toothbrush, naligo at nag breakfast na lang ako bago pumasok.

Sa opisina, habang hinihintay ang 11am na oras para magkita-kita kami, nag facebook muna at syempre nagtrabaho rin… Di nagtagal, dumating ang takdang oras na pinaka hihintay, eto na, alas onse na. Sinundo ko na ang mga kasama upang pumunta sa una naming destination na may pag-asang sa araw na ito, makikita na namin kung saan ang may pinaka masarap na Lechon Macau. Habang naglalakad patungo sa Megamall (slow-motion habang naglalakad na magkakatabi, mahangin at may background music ng Armaggedon).
First destination: Mann Hann sa Megamal, the challenge begins…
to be continued...

No comments:

Post a Comment